Kapuso

anumang kulay ng buhay... iba ang tibok 'pag kapuso!

Home, Kapuso, TV Ratings, Extra Challenge, Encantadia, Sugo, Darna, Anime, Others

Name:
Location: Philippines

Monday, November 14, 2005

Mulawin: Alwina at Aguiluz

Sa pagtatapos ng telefantasyang Mulawin ay tinalikdan nina Aguiluz (Richard Gutierrez) at Alwina (Angel Locsin) ang pagiging taong-ibon upang makapamuhay bilang mga normal na tao.
Nagsimula ang kuwento ng Mulawin The Movie sa pag-uwi nina Aguiluz at Alwina sa Tierra Fuego.
Napagitna sila sa isang marahas na bagyo. Nagkahiwalay sila, at nabura kapwa ang alaala.
Inampon si Aguiluz ng isang mapagkumbabang magsasaka, samantalang kinandili si Alwina ng isang nakaririwasang pamilya.
Subali’t may bagong kabanata sa pakikipagsapalaran ng mga Mulawin.
Ginamit ni Pirena (Sunshine Dizon) ang ‘gintong binhi’ upang mabuhay si Ravenum.
Tinawag ni Ravenum ang dragon na si Buwarka at ang hukbo ng mga Ravena upang lusubin ang Avila.
Muling nanghina ang lakas ng Puno ng Buhay ng mga Mulawin.
Tumulong ang mga Encantada at ang Tres Aves… pero ang kahihinatnan ng Avila at ng mga Mulawin ay nakasalalay sa kagitingan at pag-ibig ng dalawang dakilang kampeon… sina Aguiluz at Alwina.

Saturday, November 12, 2005

Captain Barbell in Darna?

Hindi papayag ang mga taga-Darna na simple ang huling lipad ni Angel Locsin. Sa final week nito sa November 21-25, isa pang sorpresa ang hatid ng serye. Papasok si Captain Barbell para tulungan si Darna na puksain ang mga kalaban. But as of now, wala pa raw napipisil kung sinong actor ang babagay sa role ni Captain Barbell o ayaw lang ipaalam at baka ma-preempt na naman ang staff. Ask natin ang readers kung sino sa palagay nila ang babagay na Captain Barbell. Nalaman naming gusto ring i-guest si Lastikman, isa pang creation ni Mars Ravelo. Kaya lang, nasa Viva Films pa ang rights nito't hindi nakuha ng GMA-7. Naunang pumasok at napapanood pa si Dyesebel, na ginampanan ni Ara Mina. [source]

Moments of Love

Muling mapapanood sa pelikula sina Karylle at Dingdong Dantes dahil sila ang bida sa GMA Films movie na Moments of Love to be directed by Mark Reyes. This year na ang shooting ng Valentine's Day presentation ng film outfit. Makakatapat nito sa playdate ang I Will Always Love You nina Angel Locsin at Richard Gutierrez, Valentine's Day presentation ng Regal Films. Ang ganda, talents ng GMA-7 ang maglalaban sa takilya. Kasama sa cast ng love story-romance sina Iza Calzado, Paolo Contis, Sandy Andolong, Ces Quesada, at Gloria Romero. I'm sure, may madaragdag pa sa casting nito. Hindi raw ito typical love story kundi classic ang dating. [source]

Sunday, November 06, 2005

Mulawin: The Movie

mulawin1


Filming for the much-awaited big-screen version of the tele-fantasy “Mulawin,” is almost finished. Starring the red-hot pairing of Richard Gutierrez and Angel Locsin, Mulawin The Movie will pick up where the beloved, landmark series ended last March. The screenplay is by the show’s headwriter, Don Michael Perez, while the amazing visual effects will be produced by Roadrunner Network. Regal Entertainment & GMA Films are teaming up to produce the movie, whose budget will be one of the biggest ever allotted for a Filipino fantasy film.
Directing Mulawin The Movie are Dominic Zapata (one of “Mulawin’s” two TV directors and now director of “Mars Ravelo’s Darna”) and Mark Reyes (“Encantadia”). Reyes will reportedly direct scenes in the movie where the Mulawin characters will “cross over” into the realm of Encantadia.
“Mulawin The Movie” is an official entry to the 2005 Metro Manila Film Festival Philippines, and flies into theaters December 25.


www.regalfilms.com
www.igma.tv

Blue Moon

Those of us who maintain this space know how active you fans of Mark Herras & Jennylyn Mercado are. If you needed any proof, just look at our latest poll! Anyway, Mark & Jen have been filming their scenes from the romantic drama “Blue Moon,” and we just can’t conceal our excitement with how the movie is shaping up. So we’re sharing some pics with you guys.


2


Mark & Jen are such a good-looking couple, they could be romancing each other in any decade and still look glam! Just take a look at these photos, which show how handsome your favorite love team would look, had they been teens in the Forties! Also seen are their co-stars Pauleen Luna and Polo Ravales, who complete the "love square" of the film. Enjoy!


www.regalfilms.com

Thursday, October 27, 2005

Welcome!

Hero and Jen


Just as his career was taking off after winning a talent search and gaining a wide fan base, Hero Angeles was soon at the center of a much-publicized controversy. This prompted him to seek his release from his former studio and is now a freelance artist trying to find a home. And in his quest to keep his spot in the showbiz world, he has to face the new challenges that lie ahead.
For one, there has been some buzz on who will be his new love team. He was previously paired with a Korean teen who was also the product of the star search he was part of. Although he denied having a romantic relationship with the young Korean, he admitted “Before crush lang [dati].”
In 24 Oras, Hero mentioned that he is looking forward to work with Jennylyn Mercado whom he obviously admires. “May mga love team na rin dito. Ok naman po kahit sino [ang ma-] katrabaho [ko],” he added.
In interview with Paolo Bediones of S-Files, he recalled first meeting the young celebrity during the rehearsal for an awards show but didn’t have the chance to have a long conversation. “Ngayon, nalaman ko mabait pala. Mabait pala,” Hero said of Jennylyn.
When asked to comment on Hero’s statements, Jennylyn said that she is flattered that he has a liking for her.
But what chance does Hero have with the teen star who has an on and off screen team-up with the “Bad Boy of the Dance Floor” Mark Herras?

http://igma.tv/article.php?articleid=3247

Tuesday, October 04, 2005

Angel Locsin

Nasa taping ng Darna si Angel Locsin nang tumawag sa amin kamakalawa para magpasalamat sa nabasa niyang quotes namin tungkol sa kanya sa bagong isyu ng YES! magazine.
Bibihira, lalo na sa mga young stars, ang katulad ni Angel na mag-e-effort na tumawag at magpasalamat kapag may nasulat o nasabi kang maganda tungkol sa kanya.
Pinatunayan ni Angel na totoo ang impression ng maraming showbiz writers na isa siya sa pinakamabait at pinaka-sweet sa mga kabataang artista natin ngayon.
Kahit sikat na siya ay wala siyang ere sa katawan at hindi siya yabang-yabangan tulad ng ibang bagets stars diyan.
Gandang-ganda kami sa 5-page exclusive pictorial nila ni Richard Gutierrez na inilabas ng YES! Kuha ‘yon ng stillman ng pelikulang I Will Always Love You sa Conservatory of Flowers sa Golden Gate Park sa San Francisco.
Sabi sa amin ni Angel ay may sakit siya nu’ng pictorial nila na ‘yon pero hindi mo ‘yon mahahalata dahil ang ganda-ganda ng mga kuha niya at ang guwapu-guwapo ni Richard.
Sa pictures pa lang na ‘yon ay maeengganyo ka nang panoorin ang bagong romantic movie ni Direk Mac Alejandre.
Hindi pa nakikita ni Angel ang October issue ng FHM na siya ang covergirl kaya na-excite siya nang sabihin naming nakita na namin ang advance copy nito at napaka-sexy niya sa kanyang pictorial kahit hindi siya nag-two-piece swimsuit gaya ni Bianca King.
Ayon kay Angel ay nagsuot din siya ng swimsuit sa nasabing pictorial, kaya lang ay pinatungan ito ng jacket at short shorts para hindi masyadong revealing.
Sexy female car racer ang drama ni Angel sa FHM, gaya ng karakter niyang si Kyoko Iwase sa anime series na Initial D (na magpe-premiere na sa Oktubre 9 sa Animax).
Ang alam ni Angel ay sa Nobyembre 16 ang last airing ng telefantasyang Darna. Na-extend daw ito kaya aabutin pa sila ng Nobyembre.
Matutupad ang hiling niya sa GMA na makapagbakasyon hanggang sa Disyembre dahil magwawakas na ang Darna.
Tuloy ang plano ni Angel na mag-aral ng martial arts kapag nagsimula na ang kanyang bakasyon.
Bale ‘yun ang kanyang paghahanda para sa bagong programa na gagawin niya sa GMA sa isang taon. [source]

Sunday, July 10, 2005

Wonderkids sa Darna


Maraming bata ang lalong nakatutok sa bawat episode ng Darna ng GMA-7 ngayon dahil mayroon nang dalawang cute na sidekick si Darna na katulong niya sa kanyang mga adventures.
Nagta-transform bilang Wonderkids sina Iking (Francis Magindayao) at Len-Len (Ella Guevarra) kapag nag-ankla sila at binigkas ang mga salitang, "Wonder Galing, Wonder Lakas, Wonderkids Tagapagligtas."Handa silang lumaban kasama ni Darna gamit ang kanilang special powers. Si Iking ang batang inampon ng pamilya ni Narda (Angel Locsin) nang lamunin ng higanteng ahas ang mga magulang nito.

Nang madisgrasya si Iking at malagay sa bingit ng kamatayan, hiniling ni Narda kay Aio (Caridad Sanchez) na iligtas ang batang minahal na niya bilang tunay na kapatid. Pinagbigyan ni Aio si Narda, at kasamang naibigay sa panibagong buhay ni Iking ang kakaibang kakayahang paliitin ang kanyang sarili na kasinliit ng isang butil ng mani. Dahil sa katangian niyang ito, nadiskubre ni Iking na ang kanyang Ate Narda at si Darna ay iisa.
Si Len-Len naman ang misteryosang batang sobrang lakas ang taglay na kapangyarihan na kahit ang mortal na kaaway ni Darna na si Valentina (Alessandra de Rossi) ay nais siyang gamitin sa mga plano nitong maghasik ng kasamaan. Bilang Wonderkids, nadagdagan pa ang mga personal na kapangyarihan nina Iking at Len-Len ng kakayahang maging invisible at maging simbilis ng hangin (super speed). Malaking tulong sila sa pakikipaglaban ni Darna, lalung-lalo na kung sabay-sabay ang mga nakakaaway ng Pinay superhero.

Masusubukan din ang lakas nina Iking at Len-Len sa pagpasok ng isang Toymaster (Bearwin Meilly) na nanlilinlang at nangunguha ng mga inosenteng bata. Makayanan kaya ng Wonderkids ang kakaibang kapangyarihan ng Toymaster na ito?

Abangan bukas sa Darna! pagkatapos ng Extra Challenge.

Bianca King, kapuso na muli!

Isang malapit kay Bianca King ang nagkumpirma sa amin na babalik na ang young star sa GMA 7. Naayos na raw kasi ang problema ng manager niyang si Arnold Vegafria sa executives ng Siyete. Kung si Bianca ang masusunod, gusto niyang mag-stick sa Siyete. Ayaw niyang lumipat sa ABS-CBN 2.

Wala raw magiging problema sa pagbabalik ni Bianca sa Siyete dahil wala siyang kontratang pinirmahan sa Dos. Nang makarating daw sa kaalaman ng mga taga-S.O.P. Gigsters na babalik na sa Siyete si Bianca ay tuwang-tuwa sila dahil miss na miss na nila sa show si Bianca.
Halos lahat kasi ng mga kaibigan ni Bianca sa showbiz ay connected sa GMA 7.
Naniniwala kami sa balitang ito kahit hindi pa kinumpirma sa amin noong Biyernes ni Bianca dahil nang dalawin namin siya sa shooting ng Ako Legal Wife last week ay nag-dialogue siya na may magandang balitang lalabas sa kanya.
[source]

Friday, May 27, 2005

Love to Love 7

This coming Sunday, a whole new season of Love to Love is about to unfold,

Love Ko Urok
Cast:
Mark Herras
Jennylyn Mercado
LJ Reyes
Mike Tan


Haunted Love House
Cast:
Jay-R
Chynna Ortaleza
Paolo Contis
Cindy Kurleto
[article]

Sa May 29 na!