Kapuso

anumang kulay ng buhay... iba ang tibok 'pag kapuso!

Home, Kapuso, TV Ratings, Extra Challenge, Encantadia, Sugo, Darna, Anime, Others

Name:
Location: Philippines

Wednesday, May 11, 2005

Hello! Sweet 18


Sweet 18


Nagkagustuhan sina Lee Dong Gun at Han Ji Hye (Joanna Park ng Endless Love 3: Summer Scent) habang ginagawa ang koreanovelang Sweet 18.
Ang Sweet 18 ay kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tila incompatible na karakter -- ang makulit na high school girl na si Lea Yoon (Han Ji Hye) at ang magaling na public prosecutor na si Matthew Kwon (Lee Dong Gun).

Susubukin nina Lea at Matthew na malagpasan ang mga balakid sa kanilang pagsasama, tulad ng malaking agwat sa kanilang edad at pag-uugali.
Matigas ang ulo ni Lea. Hindi siya mahilig mag-aral at tila walang direksyon ang buhay. Problema ito dahil mula siya sa isa sa mga artistokratang pamilya ng Korea: ang mga Yoon ng Papyeong.

Si Matthew ay isang lalaking kahit kailangang kumilos ng ayon sa mga idinidikta ng katayuan niya sa buhay ay nananatiling may mabuting puso. Isa siya sa mga pinakakilala at pinakamahusay na public prosecutor sa Korea.
Nagkasundo ang mga pamilya nila na ipakasal sina Lea at Matthew. Sa murang edad na 18-anyos, nagpakasal si Lea sa anak ng isa ring mayaman at prominenteng pamilya: ang mga Kwon ng Andong.
Napakaraming katungkulan ang mapupunta kay Lea bilang asawa ng unang anak ng isang kilalang pamilya.

Napapanood ang Sweet 18 Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7, bago ang 24 Oras
[Source]



Stars of Sweet 18

0 Comments:

Post a Comment

<< Home