Kapuso

anumang kulay ng buhay... iba ang tibok 'pag kapuso!

Home, Kapuso, TV Ratings, Extra Challenge, Encantadia, Sugo, Darna, Anime, Others

Name:
Location: Philippines

Thursday, May 26, 2005

18th Awit Awards

Bagama’t wala pang isang taon ang GMA Records, humataw na ito sa 18th Awit Awards ngayong Mayo 26.

Inilabas na ng Philippine Association of Recording Industry ang opisyal na listahan ng mga nominado para sa taong ito at walo sa mga produkto ng GMA Records ang pasok sa mga pinagpipilian bilang pinakamahusay sa Original Pinoy Music para sa 2004.

Sa Best Performance By A Duet Category, hindi nagpahuli ang kolaborasyon nina Janno Gibbs at Jennylyn Mercado na nag-revive ng If I’m Not In Love.
Ang second single ni Janno Gibbs na Pinakamagandang Lalaki ay finalist para sa Best Music Video category.
Kasama ang Mulawin theme song na Ikaw Nga ng South Border sa Best Song Written for TV/Movie/Stage Play.

Sa Best R&B category, ang bandang Dimsum na bumuhay sa Hotdog original na Beh, Buti Nga ang pambato ng GMA Records. Para sa Best Christmas Recording, ang Kapuso Sa Pasko ni Vehnee Saturno na inawit ng various GMA Records artists at Magandang Balita ni Gary Granada, na under GMA Records din, ay magkakalaban.

Ang acoustic sensation na Sipol ay nakatanggap ng nominasyon para sa tatlong kategorya -- Best Jazz Recording para sa Higher Than High, Best Performance By a New Group at Best Inspirational Song para sa Hindi Diyos Ang Natutulog, Tao. [source]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home