Kapuso

anumang kulay ng buhay... iba ang tibok 'pag kapuso!

Home, Kapuso, TV Ratings, Extra Challenge, Encantadia, Sugo, Darna, Anime, Others

Name:
Location: Philippines

Tuesday, October 04, 2005

Angel Locsin

Nasa taping ng Darna si Angel Locsin nang tumawag sa amin kamakalawa para magpasalamat sa nabasa niyang quotes namin tungkol sa kanya sa bagong isyu ng YES! magazine.
Bibihira, lalo na sa mga young stars, ang katulad ni Angel na mag-e-effort na tumawag at magpasalamat kapag may nasulat o nasabi kang maganda tungkol sa kanya.
Pinatunayan ni Angel na totoo ang impression ng maraming showbiz writers na isa siya sa pinakamabait at pinaka-sweet sa mga kabataang artista natin ngayon.
Kahit sikat na siya ay wala siyang ere sa katawan at hindi siya yabang-yabangan tulad ng ibang bagets stars diyan.
Gandang-ganda kami sa 5-page exclusive pictorial nila ni Richard Gutierrez na inilabas ng YES! Kuha ‘yon ng stillman ng pelikulang I Will Always Love You sa Conservatory of Flowers sa Golden Gate Park sa San Francisco.
Sabi sa amin ni Angel ay may sakit siya nu’ng pictorial nila na ‘yon pero hindi mo ‘yon mahahalata dahil ang ganda-ganda ng mga kuha niya at ang guwapu-guwapo ni Richard.
Sa pictures pa lang na ‘yon ay maeengganyo ka nang panoorin ang bagong romantic movie ni Direk Mac Alejandre.
Hindi pa nakikita ni Angel ang October issue ng FHM na siya ang covergirl kaya na-excite siya nang sabihin naming nakita na namin ang advance copy nito at napaka-sexy niya sa kanyang pictorial kahit hindi siya nag-two-piece swimsuit gaya ni Bianca King.
Ayon kay Angel ay nagsuot din siya ng swimsuit sa nasabing pictorial, kaya lang ay pinatungan ito ng jacket at short shorts para hindi masyadong revealing.
Sexy female car racer ang drama ni Angel sa FHM, gaya ng karakter niyang si Kyoko Iwase sa anime series na Initial D (na magpe-premiere na sa Oktubre 9 sa Animax).
Ang alam ni Angel ay sa Nobyembre 16 ang last airing ng telefantasyang Darna. Na-extend daw ito kaya aabutin pa sila ng Nobyembre.
Matutupad ang hiling niya sa GMA na makapagbakasyon hanggang sa Disyembre dahil magwawakas na ang Darna.
Tuloy ang plano ni Angel na mag-aral ng martial arts kapag nagsimula na ang kanyang bakasyon.
Bale ‘yun ang kanyang paghahanda para sa bagong programa na gagawin niya sa GMA sa isang taon. [source]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home