Kapuso

anumang kulay ng buhay... iba ang tibok 'pag kapuso!

Home, Kapuso, TV Ratings, Extra Challenge, Encantadia, Sugo, Darna, Anime, Others

Name:
Location: Philippines

Sunday, July 10, 2005

Wonderkids sa Darna


Maraming bata ang lalong nakatutok sa bawat episode ng Darna ng GMA-7 ngayon dahil mayroon nang dalawang cute na sidekick si Darna na katulong niya sa kanyang mga adventures.
Nagta-transform bilang Wonderkids sina Iking (Francis Magindayao) at Len-Len (Ella Guevarra) kapag nag-ankla sila at binigkas ang mga salitang, "Wonder Galing, Wonder Lakas, Wonderkids Tagapagligtas."Handa silang lumaban kasama ni Darna gamit ang kanilang special powers. Si Iking ang batang inampon ng pamilya ni Narda (Angel Locsin) nang lamunin ng higanteng ahas ang mga magulang nito.

Nang madisgrasya si Iking at malagay sa bingit ng kamatayan, hiniling ni Narda kay Aio (Caridad Sanchez) na iligtas ang batang minahal na niya bilang tunay na kapatid. Pinagbigyan ni Aio si Narda, at kasamang naibigay sa panibagong buhay ni Iking ang kakaibang kakayahang paliitin ang kanyang sarili na kasinliit ng isang butil ng mani. Dahil sa katangian niyang ito, nadiskubre ni Iking na ang kanyang Ate Narda at si Darna ay iisa.
Si Len-Len naman ang misteryosang batang sobrang lakas ang taglay na kapangyarihan na kahit ang mortal na kaaway ni Darna na si Valentina (Alessandra de Rossi) ay nais siyang gamitin sa mga plano nitong maghasik ng kasamaan. Bilang Wonderkids, nadagdagan pa ang mga personal na kapangyarihan nina Iking at Len-Len ng kakayahang maging invisible at maging simbilis ng hangin (super speed). Malaking tulong sila sa pakikipaglaban ni Darna, lalung-lalo na kung sabay-sabay ang mga nakakaaway ng Pinay superhero.

Masusubukan din ang lakas nina Iking at Len-Len sa pagpasok ng isang Toymaster (Bearwin Meilly) na nanlilinlang at nangunguha ng mga inosenteng bata. Makayanan kaya ng Wonderkids ang kakaibang kapangyarihan ng Toymaster na ito?

Abangan bukas sa Darna! pagkatapos ng Extra Challenge.

Bianca King, kapuso na muli!

Isang malapit kay Bianca King ang nagkumpirma sa amin na babalik na ang young star sa GMA 7. Naayos na raw kasi ang problema ng manager niyang si Arnold Vegafria sa executives ng Siyete. Kung si Bianca ang masusunod, gusto niyang mag-stick sa Siyete. Ayaw niyang lumipat sa ABS-CBN 2.

Wala raw magiging problema sa pagbabalik ni Bianca sa Siyete dahil wala siyang kontratang pinirmahan sa Dos. Nang makarating daw sa kaalaman ng mga taga-S.O.P. Gigsters na babalik na sa Siyete si Bianca ay tuwang-tuwa sila dahil miss na miss na nila sa show si Bianca.
Halos lahat kasi ng mga kaibigan ni Bianca sa showbiz ay connected sa GMA 7.
Naniniwala kami sa balitang ito kahit hindi pa kinumpirma sa amin noong Biyernes ni Bianca dahil nang dalawin namin siya sa shooting ng Ako Legal Wife last week ay nag-dialogue siya na may magandang balitang lalabas sa kanya.
[source]