Mulawin: Alwina at Aguiluz
Nagsimula ang kuwento ng Mulawin The Movie sa pag-uwi nina Aguiluz at Alwina sa Tierra Fuego.
Napagitna sila sa isang marahas na bagyo. Nagkahiwalay sila, at nabura kapwa ang alaala.
Inampon si Aguiluz ng isang mapagkumbabang magsasaka, samantalang kinandili si Alwina ng isang nakaririwasang pamilya.
Subali’t may bagong kabanata sa pakikipagsapalaran ng mga Mulawin.
Ginamit ni Pirena (Sunshine Dizon) ang ‘gintong binhi’ upang mabuhay si Ravenum.
Tinawag ni Ravenum ang dragon na si Buwarka at ang hukbo ng mga Ravena upang lusubin ang Avila.
Muling nanghina ang lakas ng Puno ng Buhay ng mga Mulawin.
Tumulong ang mga Encantada at ang Tres Aves… pero ang kahihinatnan ng Avila at ng mga Mulawin ay nakasalalay sa kagitingan at pag-ibig ng dalawang dakilang kampeon… sina Aguiluz at Alwina.